Pagkaroon ng PCGA Training sa mga institusyon, iminungkahi ng isang senador sa CHED

LEGAZPI CITY – Iminungkahi ni Senate Majority Leader Sen. Francis Tolentino sa Commission on Higher Education (CHED) ang pagkakaroon ng Coast Guard Auxiliary Training sa mga institusyon upang maprotektahan ang water territory sa bansa.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa Senador, sa ganitong paraan, mapapalakas ang kapasidad ng mga tauhan ng PCG, kung saan kinakailangan kilalanin muna ang reserve unit nito tulad ng army reserve, air force at navy reserve.

Aniya, tanging magagawa ay makipagtulungan at makipag-ugnayan sa CHED para makapagpalabas ng guidelines tungkol sa courses ng coast guard training.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Maliban pa rito, magkakaroon din ng pag-upgrad ng mga kagamitan para tuluyan nang mabigyan ng proteksyon ang ating bansa.