Sugatan ang isang lalaki matapos nitong sumemplang habang nagmamaneho ng motor sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City nitong Biyernes, Mayo 24.
Ayon sa report, pasado alas-12:00 ng hatinggabi, binabagtas noon ng motor na minamaneho ng 47-anyos na driver ang direksyon patungo sa Manila nang madaanan nito ang hindi pantay na bahagi ng tulay na nagresulta sa pagkatumba nito sa kalsada.



Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.
Samantala, nagpositibo rin umano ang driver sa alcoholic breath test.
Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang nasabing driver.