Pagkamatay ng ama ng suspek sa pamamaril sa Ateneo, ikinagulat at ikinalungkot umano ng pamilya Furigay

Ikinagulat at ikinalungkot umano ng pamilya ni dating Lamitan City Mayor Rose Furigay ang pagkamatay ng ama ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na si Rolando Yumol.

Ayon sa abogado ng pamilyang Furigay na si Atty. Qurino Esguerra, hiling daw ng pamilyang Furigay na may humingi ng agarang tulong sa Philippine National Police (PNP) upang magkaroon ng masinsinang imbestigasyon at malaman kung sino ang responsable sa likod ng nasabing krimen.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Kaninang umaga ay pinagbabaril ang ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan ng riding-in-tandem.

Ayon sa report, ang 69-anyos na si Rolando Yumol ay pinaputukan ng apat na beses sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Samantala, iginiit ni Esguerra na hindi patas kung iuugnay kaagad ang pamilya Furigay sa pagpatay kay Yumol.

Nauna na ring umapela ang PNP sa publiko na huwag munang gumawa ng mga espekulasyon kaugnay sa pagpatay sa ama ng Ateneo shooting suspect.