Monkeypox virus, naisasalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik – DOH

Binalaan ng Department of Health o DOH ang publiko hinggil sa posibleng pagkakahawa ng monkeypox sa pamamagitan ng sexual contact o pakikipagtalik.

Sa isinagawang DOH press briefing, sinabi ni Dr. Beverly Ho na batay sa mga ginawang pag-aaral mula sa mga non-endemic countries, naisasalin ang virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga taong positibo nito na nakitaan ng mga rashes sa katawan o mayroong open wounds.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Hindi umano ito kagaya sa COVID-19 na madalas na naisasalin sa pamamagitan ng hangin.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng ahensya ang publiko na iwasan ang pakikipagtalik sa mga taong may mga rashes o mayroong sugat. 

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Maliban dito ay nararapat din umanong panatilihin ang kalinisan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at iwasan ang mga kulob na lugar o mahina ang ventilation.