Pagkalunod, ikinamatay ni Danica Pajate

CAMARINES SUR- Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng 18 anyos na dalagang si Danica Pajate na residente ng Barangay San Ramon Iriga City.

Ito ang lumabas sa resulta ng autopsiya sa bangkay ni ng dalaga mula forensic unit ng PNP.

Ayon kay PSSgt. Reimon PaaƱo ang imbestigador ng Ocampo MPS sinabing batay sa medicolegal ay asphyxia by drowning o pagkalunod ang ikinamatay nito, ibig sabihin pumasok ang tubig sa kaniyang baga bago namatay. Iniimbestigahan pa ngayon kung paano ito nalunod o nilunod gayong napakababaw naman ng tubig roon. Palaisipan pa kung paano nawala ang tablet ang tsinelas nito.

Nakatutok ang PNP sa anggulo ng pag alis ng biktima sa bahay tungo sa direksyon ng Barangay May Ogob, kung sino ang mga nakasama at posibleng nakakita sa krimen, nireview ang lahat ng mga CCTV. Hindi pa ito nakikita sa footages umano’y sayawan. Hinihintay ng pulisya ang resulta ng test kung ito ba ay naabuso sekswal.

Kung maaalala si Pajate ang dalagang natagpuang wala nang buhay sa isang creek sa Ocampo, Camarines Sur nitong Abril 16 ilang metro lang ang lapit mula sa kanilang tahanan, labis ang panghihinayang ng mga kaklase, guro at pamilya dahil pangarap sana nito na maging isang abogado balang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *