Pagkakasamsam ng nasa isang kilo ng shabu sa Naga City, malaking bagay sa pagsalba ng kinabukasan ayon sa NCPO

NAGA CITY- Napakalaking accomplishments para sa Naga City Police Office ang masamsam ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8M.

Inihayag sa mga kagawad ng media ni Acting City Director PCol. Nelson Pacalso na maraming buhay ang nasagip sa pagkakaaresto nina  Hiroji Tesorero ng Brgy. Peñafrancia, Naga City at driver na si Froilan Teves ng Minalabac, Camarines Sur, napigilan na makasira ng kinabukasan ng marami. Sa lungsod at sa probinsya ng Camarines Sur kasi ibabagsak ang item.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa tala ng NCPO, hindi naman sila tumitigil sa paghuli sa mga sanggot sa ipinagbabawla na gamot, maliit man o malaki. Patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa LGUs at mga stakeholders sa paglaban sa adiksyon sa iligal na droga.