Hinihinalang rebelde patay sa engkwentro Camarines Sur

NAGA CITY- Patay sa maikling minutong bakbakan ang umano’y miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa San Fernando , Camarines Sur.

Sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army , nakasagupa ng pinag-isang pwersa ng 81st Infantry (SPARTAN) Battalion at Philippine National Police (PNP) ang tinatayang siyam na mga CTGs,  5:45 ng Biyernes ng umaga sa Barangay Gñaran.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang combat operation ay nagresulta sa walong minutong palitan ng putok. Mas marami ang bilang ng tropa ng pamahalaan kaya nag withdraw ang kabilang panig pero naiwan ang isang patay na miyembro.

Narekober sa pinagyarihan ang M16A1 Rifle, isang short magazine para sa M16; labingpitong (17) rounds ng  ammunition at iba pa.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay PLt. Anthony Bueza, OIC ng San Fernando PNP , kinuha ng pamilya ang bangkay. Hindi na isinapubliko ang pangalan nito.

Bukas ang pamahalaan sa mga nais sumukong rebelde  , naghihintay naman ang mga programa upang makatulong sa pagbabagong buhay.