Pagkakadawit ng ilang pulis sa kaso ng mga nawawalang sabungero, sisilipin ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police na sisilipin ang posibleng partisipasyon ng ilang PNP members sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang binigyan diin ni PNP-Public Information Office chief Police Brig. Gen. Roderick Alba matapos na idawit ng ilang testigo sa ginanap na senate hearing ang ilang pulis kaugnay sa umano’y pagdukot sa ilang mga sabungero.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Ayon kay Alba beberipikahin ng PNP ang inilahad ng mga witness bilang bahagi ng due process.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Kumpiyansa naman ang heneral na lalabas din ang katotohanan sa usapin ng nawawalang mga sabungero.

Muli naman nagpaalala si Alba na mahigpit na ipinagbabawal sa mga miyembro ng PNP na pumasok sa anumang uri ng sugal.