Dapat daw magsilbing babala sa lahat ng mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at kanilang mga taga suporta ang pagkaka aresto sa isang babae na umano’y sangkot sa vote buying sa Navotas City.
Ayon kay NCRPO Acting Regional Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., seryoso sila sa pagpapatupad ng operasyon kontra vote buying at vote selling sa Metro Manila.
Ipinag-utos pa ng NCRPO chief sa lahat ng kanyang mga police officers na sampahan ng kaso ang lahat ng lalabag sa Election code.
Nanawagan din siya sa lahat ng mga kandidato na maging patas sa kanilang laban ngayong halalan.
Maaalalang kahapon ng umaga nang magkasa nang operasyon kontra bigay ang mga awtoridad sa isang warehouse sa Navotas.
Isang ginang ang naabutan ng mga awtoridad namimigay ng envelope na may laman pera sa nasa 200 katao na para umano sa watchers training.