1 Pilipino caregiver, tinuring na bayani ng Israel matapos sagipin ang buhay ng kanyang amo

Inilarawan ng bansang Israel ang isang Pilipinang caregiver bilang bayani matapos nitong mag-offer ng pera sa mga Hamas terrorists kapalit ng kanilang kaligtasan.

Batay sa social media post ng naturang bansa, ang caregiver na si Camille ay nasa bomb shelter kasama ang 95-anyos na si Nitza nang pasukin ang kanilang bahay ng mga terorista.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Nakumbinsi umano ni Camille ang mga terorista na kuhanin na lamang ang lahat ng kanilang mga pera kapalit ng kanilang buhay.

Niyakap din umano nito si Nitza nang dalawa’t kalahating oras hanggang sa dumating ang mga security forces.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, nakatakda na sanang umuwi ang Pinoy sa Pilipinas, ngunit binigay nito ang lahat ng kanyang pera na nasa 1,500 shekels o P21,000 ,para maligtas ang kanilang buhay.