Lalawigan ng Sorsogon, nangunguna na sa may pinakamaraming COVID-19 death toll sa buong Bicol

BNFM BICOL— Naungusan na ng Sorsogon ang lalawigan ng Camarines Sur sa may pinakamataas at pinakamaraming bilang ng COVID-19 death toll mula sa anim na mga lalawigan sa Bicol.

Batay sa pinakahuling datus na ibinaba ng Department of Health, ang lalawigan ng Sorsogon ay nakapagtala na ng 458 bilang ng mga nasawi, lamang ng isang bilang sa probinsya ng Camarine Sur na may 457 death toll.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Sumunod sa mga ito ang Albay na may 432; ang Naga City ay may 224; 201 sa Camarines Norte; 116 sa Catanduanes; may 78 ang lungsod ng Legazpi habang nasa 74 naman ang COVID-19 related deaths sa islang lalawigan ng Masbate.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Sa kabuuan, pumapalo na sa 2,045 ang COVID-19 fatalities sa rehiyon as of February 1, 2022.###