Pagiging General Hospital ng CNPH target na i-apply bago matapos ang 2024

CAMARINES NORTE – Target ng Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Health Office na mai- apply ang conversion ng Camarines Norte Provincial Hospital patungo sa pagiging General Hospital bago magtapos ang 2024.

Ayon kay Provincial Health Officer I Dr. Walter Randolph Jalgalado, nais nila sa PHO na kapag nagkaroon ng pagbabago mula sa isang Provincial Hospital patungo sa pagiging General Hospital ay magkaroon din ng mga karagdagang serbisyo, kagamitan kasama na rin ang pakikitungo ng mga empleado.

Mananatili rin aniya sa Level 2 ang kategorya ng CNPH pero sa loob ng tatlo hanggang limang taon ay nais ng Provicnial Government na maging Level 3 na ito.

Inilahad rin ni Jalgalago na nais ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na mare- nationalized ang CNPH kahit ito ay maging General Hospital.

Ibig sabihin nito, ang Department of Health na ang direktang mamahala at hindi na ang Provincial Government.

Sabi ni Jalgalado malaking tulong sa Provincial Government at sa mga taga Camarines Norte kung mapapasailalim sa pamamahala ng DOH ang CNPH.

Kahapon ay isinagawa ang ground breaking Ceremony ng ng 5- storey building na expansion ng CNPH.

Sabi ni Governor Ricarte “Dong” Padilla, kumpiyansa siya na matatapos ang konstruksyon ng gusali bago mag- 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *