Construction ng ilang tulay sa iba’t ibang bayan napondohan na rin – Gov. Padilla

CAMARINES NORTE – Malapit nang simulan ang konstruksyon ng ilan pang mga tulay sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Governor Ricarte “Dong” Padilla napondohan na ang Malaguit- Labnig Bridge sa bayan ng Paracale na isa ring mahabang tulay.

Mayroon na rin umanong pondo para sa konstruksyon ng Camagsaan Bridge sa bayan ng naman ng Capalonga.

Habang malapit na rin umanong simulan ang konstruksyon ng Manguisoc Bridge sa bayan naman ng Mercedes.

Sabi ng Gobernador mayroon nang inisyal na pondong P100 milyon mula sa Department of Public Works and Highways para sa Manguisoc Bridge.

Bukod dito nangako rin aniya ang senador na magbibigay ng karagdagang P200 million para sa construction ng nabanggit na tulay.

Binigyang diin ng opisyal na tuloy- tuloy ang pagpapsinaya ng mga proyekto sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *