Construction ng Manguisoc Bridge na mag uugnay sa Coastal at Poblacion Barangays ng Mercedes malapit nang simulan ayon kay Governor Padilla

CAMARINES NORTE – Inihayag ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na malapit nang simulan ang construction ng Manguisoc Bridge na mag- uugnay sa Coastal at Poblacion Barangays ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon kay Padilla mayroon nang inisyal na P100 million na pondo  mula sa Department of Public Works and Highways na inendorso naman ng kaniyang kapatid na si Senator Robin Padilla kay Secretary Manuel Bonoan.

Bukod dito nangako rin aniya ang senador na magbibigay ng P200 million para sa construction ng Manguisoc Bridge.

Hulyo nitong taon nang ihayag ng DPWH sub- engineering district na mayroon nang plano para sa konstruksyon ng tulay sa pagharap ng mga kinatawan nito  sa Sangguniang Bayan ng Mercedes para naman ilatag ang proposed road conversion ng Angas- Manguisoc Road.

Kung maalala taong 2018 ay mayroon na ring resolusyon na inihain sa SB patungkol sa pagkakaroon ng tulay na magdudugtong sa Mercedes Port patungong Barangay Manguisoc.

Ang pagkakaroon daw kasi ng tulay sa naturang lugar ay magbubunga ng progreso hindi lamang sa bayan ng Mercedes kundi maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte

Ito’y dahil magkakaroon ng additional revenues sa gobyerno at magbubukas din ng oportunidad sa paglago ng negosyo ng mga residente sa lugar

Magbibigay daan din umano ito sa mas marami pang infrastructure projects ng gobyerno Bukod dito maaari rin umanong maging resettlement projects ang mga coastal barangay dahil magiging accesible na ito sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *