Paghukay sa lahat ng septic tank sa Bilibid, ipinag-utos ni BuCor Chief Catapang

Ipapahukay na ang lahat ng septic tank sa New Bilibid Prison.

Ito ang ipinag-utos ni BuCor Director General Gregorio Catapang upang malaman kung may mga nbakabaon na mga buto ng tao.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Nais malaman ni Catapang kung ginamit din ang mga ito na libingan ng mga nawawalang person deprive of liberty o PDL.

Maaalalang noong nakaraang linggo nadiskubre ang buto ng isang tao sa isang septic tank na hinihinalang sa PDL na hinahanap matapos mawala nitong Hulyo.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

May pagdududa kasi si Catapang na naging kalakaran na sa pambansang kulungan ang pagtatapon ng bangkay dito upang pahirapan ang mga tauhan ng NBP sa paghahanap sa mga PDLs na unang naiulat na nawawala.