Binigyan ng arrival honor ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si European Union President Ursula von der Leyen sa pagdating nito sa Palasyo ng Malacañang kaninang umaga para sa kanilang bilateral talks, na sinundan ng guest book signing.
Sinaksihan din ni Marcos at von der Leyen ang signing ng bilateral agreement on the Joint Declaration on the Green Economy Program sa pagitan ng Pilipinas at EU.
Tumayong signatories ng bilateral agreement para sa Pilipinas si Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at si Ambassador of the European Union EU to the Philippines Luc Veron naman sa panig ng EU.
Bago ang ceremonial signing, nagsagawa ang dalawang lider ng bilateral meeting para talakayin ang mutual interests sa kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon sa ilalim ng Global Gateway strategy.
Layon ng naturang estratehiya na tugunan ang infrastructure needs sa digital, gayundin sa sector ng enerhiya at transportasyon habang tinutugunan ang pandaigdigang hamon lalo na sa pagpapaliit ng global investment gap.
Samantala naka takda rin magsalita si President von der Leyen sa isang high-level business event na inorganisa ng European Chamber of Commerce of the Philippines o ECCP katuwang ang Makati Business Club o MBC.
Muli ring pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang European Union sa pagpapalawig nila ng pagkilala sa Filipino Seafarers certificates.
Sa naging bilateral meeting nina Pangulong Marcos at EU President Ursula von der Leyen, sinabi ng Pangulo na malaking bagay ito sa mahigit 50,000 Filipino seafarer na nagtatrabaho sa mga EU vessels.
Una na kasing inabisuhan ng European Commission ang Pilipinas na kung hindi makakasunod sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for seafarers o STCW ang bansa ay hindi na kikilalanin ang STCW certificates na ibinibigay ng Pilipinas.
#