Paghihiganti sa hotel management ang nakikita bilang motibo ng Philippine National Police kaya napatay ang tatlong biktima kabilang ang isang Australian national, kinakasamang Pinay at manugang nito sa isang hotel sa Tagaytay City.
Ayon kay Tagaytay Component City Police Station Chief of Police , LTCol. Charles Daven Capagcuan, batay sa isinagawang imbestigasyon , nagawa ito ng naarestong suspek na kinilala lamang na si alias” Ronel” matapos siyang matanggal sa trabaho sa hotel.
Nabatid na buwan ng Marso ng mawalan ito ng trabaho matapos masangkot umano sa pagnanakaw sa isa sa mga kuwarto sa hotel.
Matapos ang ilang araw na imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group, natukoy ang suspek at inilunsad ang follow-up operation laban sa kanya.
Hanggang sa boluntaryong sumuko ito kahapon ng madaling araw kay Mayor Jey Cerrado ng Tuy, Batangas.
Mahaharap ngayon sa kasong robbery with multiple homicide ang suspek.