Taos-pusong nagpasalamat si Senate President Chiz Escudero para sa natanggap nilang mataas na trust rating sa isinagawang survey ng Pulse Asia kamakailan.
Lumabas kase na nasa 69% ng mga naging respondents ng survey ang may may ‘big trust’ sa pamamahala ni Escudero mula noong palitan niya si dating Senate President Migz Zubiri sa pwesto.
Alinsunod nito, tiniyak niyang patuloy silang magseserbisyo sa Senado upang panatilihin ang tiwala ng mga Pilipino.
Dagdag pa niya, sigurado naman siyang magsisilbing inspirasyon sa mga kapwa niya mambabatas ang anumang mataas na numero sa survey at magbibigay gabay at aral din ang isang mababang rating sa kanila.
Ngunit sa kabila ng mga ito, ipinunto niyang mananatili sila sa pagtatrabaho at paggampan sa kanilang tungkulin alang-alang sa mas nakakataas na interes ng bansa at sambayanan.