Paghati sa Maguindanao Province, napapanahon na ayon kay Senior Board Member Datu Sharifudin Tucao P. Mastura

COTABATO CITY – PANAHON na upang mabuo ang isa pang probinsya mula sa Maguindanao Province.

Ito ang pahayag ni Maguindanao 1st District Senior Board Member Datu Sharifudin Tucao P. Mastura, sa naging panayam sa kanya ng Brigada News FM Cotabato.

Sinabi ni Mastura na dahil sa lawak ng Maguindanao at sa dami na rin ng populasyon nito ay naniniwala sya na ang paghati sa lalawigan ay napapanahon na.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Matututukan anya rito ang lahat ng mga proyekto ng lalawigan sa oras na mahati na ang Maguindanao kung saan ang unang distrito sa kasalukuyan ay tatawagin ng Maguindanao del Norte.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Kung matatandaan anya unang nabuo ang Shariff Kabunsuan Province noong 2006 sa pamamagitan ng Muslim Mindanao Autonomy Act No. 201 ngunit pinawalang bisa ito ng Supreme Court sa pagsasabing ito ay unconstitutional.

Kampante si Board Member Mastura na majority sa mga residente ngayon ay papabor muli sa paghahating ito sa lalawigan sa pamamagitan ng isasagawang plebesito.(Jom Dimapalao)