Tatlong registration center sa Cotabato City at Maguindanao para sa PhilSys ID, binuksan!

COTABATO CITY – NAGPAPATULOY ngayon ang ginagawang registration ng National ID system sa Cotabato City at sa probinsya ng Maguindanao.


Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Philippine Statistics Authority – Maguindanao Director Razulden Mangelen na mayroong tatlong tatlong registration centers ang kanilang inilagay dito sa lungsod.


Ito ay nasa loob ng City Mall, sa Cotabato City Peoples Palace at PSA Center sa bahagi ng Gonzalo Javier Street at sila ay bukas mula lunes hanggang sabado, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan


Ipinaliwanag din ng opisyal kung bakit pahirapan ang pagpaparehistro online ito ay dahil umano sa dami ng mga registrants.


Samantala bukod sa Cotabato City, bukas na rin ang PhilSys registration Center sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Matanog at Datu Adbullah Sangki.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mayroon ding mga registration center sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Datu Anggal Midtimbang, Kabuntalan, Barira at Parang pero ito ay itatakdang buksan sa susunod na buwan dahil inaantay nalang ang registration kits para dito.


Sa mga nais kumuha ng PhilSys ID ay kinakailangang magdala ng Valid ID ang mga ito bago makapagparehistro ng kanilang National ID.(Jom Dimapalao/Xandra Cerilla)