Paghahasik ng karahasan ng isang International terror groupsa Pilipinas, napigilan ng PNP

Inilahad ng Philippine National Police (PNP) na napigilan nila ang pagtatangka ng isang international terrorist group na maghasik ng kaguluhan sa pamamagitan ng mga pag-atake sa Pilipinas.

Tinukoy ng PNP ang grupong Hamas, na nakabase sa Middle East at pasimuno ng mga pag-atake laban sa mga Israelis at bansang Arabo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Nagre-recruit umano ng mga Filipino affiliates ang grupo na magsasagawa ng terror attacks laban sa mga Westerners at Middle Eastern nationals sa Pilipinas.

Sa report na nakalap ng Intelligence Group, sinabi ng PNP na ang impormasyon tungkol sa umano’y terror plot na ito ay isiniwalat ng isang lokal na kontak ng Hamas sa bansa.

Sinabi ng direktor ng Intelligence Group na si Police Brigadier General Neil Alinsangan na kinilala ng Filipino source ang operatiba ng Hamas bilang si ‘Fares Al Shikli’ alyas ‘Bashir’ na nangako ng suportang pinansyal sa ilang lokal terrorist group sa bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Noong Enero 2018, inalala ng PNP na sinubukan ng Hamas na isagawa ang kanilang mga aktibidad sa Pilipinas subalit hindi ito naging matagumpay matapos mahuli ang mga suspek sa isang operasyon sa Pampanga.