Paghahanda para sa Tig-aw Festival sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur, nagsimula na

CAMARINES SUR —  Umarangkada na ang puspusang paghahanda ngayon ng lokal na gobierno at pulisya para sa nalalapit na Tiga-aw Festival sa Tigaon, Camarines Sur.

Ayon kay Police Captain Monica San Juan, ang officer in charge ng Tigaon Municipal Police Station, nitong nakaraang linggo ay isinagawa na ang inter-agency meeting patungkol sa mga gagawing hakbang para sa mga nalalapit na aktibidad. Tiniyak rin ng opisyal na mas paiigtingin pa ang pagbabantay bago at sa araw ng pagdiriwang upang maiwasan ang anumang aksidente o krimen.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, ngayong darating na Agosto 7 isasagawa naman ang opisyal na pagbubukas ng Tig-aw Festival kasabay ang iba’t-ibang programa at aktibidad.