Paghahain ng Senado ng Resolution of Both Houses para sa Cha-cha -“extraordinary” raw

Ikinalugod ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang naging pasya ng Senado na makipagtulungan sa Mababang Kapulungan para isulong ang mga pagbabago sa Saligang Batas.

Ayon kay Dalipe, sa isang pambihirang pagkakataon ay nasilayan na umano ng Senado ang liwanag at sumang-ayon sa paniniwala ng Kamara na napapanahon nang amiyendahan ang Konstitusyon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Indikasyon aniya ang pagkakaisa ng dalawang legislative bodies ng pag-usad ng bansa kasabay ng pagkilala sa pangangailangan at kahalagahan ng reporma.

Pinuri rin ni Dalipe ang pagiging kumpiyansa ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makakamit ang kailangang suporta para sa inisyatiba na nangangahulugang lumalago ang consensus sa mga mambabatas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Giit pa nito, ang paghanay ng dalawang kapulungan sa pag-amiyenda sa 1987 Constitution ay hindi lamang pagpapamalas ng legislative cooperation kundi pinaiigting ang dedikasyon na unahin ang kapakanan ng bansa.

Handa naman umano ang Kamara na makipagtulungan sa Senado upang matiyak ang epektibong pagpasa at implementasyon ng constitutional amendments.