Grupo, winelcome ang extension ng SHS program sa mga SUCs at LUCs

Winelcome ng isang grupo ang pagtitiyak ng mga education agencies na palawigin pa ang Senior High School (SHS) Programs sa mga government-run universities at colleges.

Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairman Benjo Basas, itinuturing nila ang naturang hakbang bilang isa lang pansalamtalang tagumpay.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Kasabay kasi nito ay patuloy na nagbababala ang TDC hinggil sa posibleng epekto ng biglaang pagpapatigil sa naturang programa sa mga SUCs at LUCs.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Mababatid na kahapon, inextend na ng Department of Education ang SHSVP para sa mga Grade 11 students na kasalukuyang naka-enroll sa mga SUCs at LUCs sa SY 2023-2024.