Transportation Secretary Jaime Bautista, nagpositibo rin sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ito ang kinumpirma ng DOTr staff, tatlong araw bago ang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Sa pahayag, nag-positibo umano ang resulta ng kanyang RT-PCR test.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa ngayon, mild lang ang sintomas na nararanasan ng kalihim at kasalukuyang naka-isolate.

Tiniyak naman ng DOTr na magpapatuloy pa rin ang trabaho nito.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Matatandaaang nakipagpulong pa si Bautista noong kamakalawa sa mga bagong nanumpang opisyales sa MIAA.

Bago si Bautista, nag-positibo na rin noong mga nagdaang linngo si Pangulong Marcos, pati na rin ang iba pang miyembro nito ng Gabinete.
#