Paggamit sa kauna-unahang locally produced COVID-19 vaccine inaprubahan ng Indonesia

Inaprubahan ng Public Health Agency ng Indonesia ang kauna-unahan nitong produced na COVID-19 vaccine para sa emergency use.

Inihayag ng Jakarta ang kahalagahan ng pag-develop ng kanilang sariling vaccine sa gitna ng pagiging dependent nila sa Sinovac vaccine ng China sa simula ng pandemya.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Kaugnay nito, maaari nang magamit bilang primary dose sa mga unvaccinated ang IndoVac jab na gawa ng state-owned pharmaceutical company na Bio Farma at Texas-based na Baylor College of Medicine.

Ipinagmamalaki naman ng head ng National Food and Drugs Agency na si Penny Lukito ang domestic vaccine dahil nangangahulugan aniya ito ng kanilang national independence sa access sa nasabing gamot.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Napag-alamang naitala sa 92% ang efficacy rate ng IndoVac.