Pansamantala munang sinuspinde ng komite ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa ang pagdinig hinggil sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leak.
Ito ay sa kabila ng naging desisyon ng komite na i-cite in contempt si dating PDEA agent Jonathan Morales at si Eric ‘Pikoy’ Santiago dahil sa di umano’y pagsisinungaling.
Anya, hindi muna nila ito isasara o tatapusin dahil gusto niyang maging patas at transparent sa pagdinig dito.
Alinsunod nito, layunin nila sa susunod na pagdinig na pakinggan ang panig ni James Kumar na siyang sinasabi ni Morales na nag-utos sa kanya na ‘wag ng pumunta sa Senado at itigil na ang kanyang drug-use allegation sa Pangulo.
Samantala, hindi naman pinayagan ni Dela Rosa ang abogado ni Pikoy na maghain ng motion for reconsideration dahil ipinagbabawal umano ito sa patakaran na mayroon sila.