Pagdeklara kay Juico bilang persona non grata, naayon sa kapangyarihan ng POC

Nanindigan ang Philippine Olympic Committee na naayon sa kapangyarihan nito ang kanilang rekomendasyon na ideklara si PATAFA president Philip Ella Juico bilang persona non grata.

Ginawa ito ng POC sa gitna ng sigalot ng presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association sa Olympic pole vaulter na si EJ Obiena.

Kamakailan ay sinabi ni Juico na lalabanan niya ang desisyon ng POC.

Naniniwala rin si Juico na walang legal right ang POC na makialam sa internal issue sa pagitan ng PATAFA at ng atleta nito.

Iginiit naman ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na hindi karapat-dapat na kilalanin ng POC ang isang presidente ng isang national sports association na hindi nakikiisa sa layunin ng ahensya na pangalagaan ang kapakanan ng mga atleta.