MAPA ng SB19 at Ben&Ben kasama sa 2021 playlist ng US Secretary of State

Pasok ang bersyon ng kantang “MAPA” ng SB19 at Ben&Ben sa listahan ng mga awitin na pinakinggan ni US Secretary of State Antony Blinken para sa taong 2021.

Sa isang tweet ay ibinahagi ni Blinken ang link ng kaniyang Spotify playlist, na ayon sa kaniya ay naglalaman ng mga paborito niyang kanta mula sa iba’t-ibang artists mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Mababatid na nagdomina ang “MAPA” sa iTunes charts ilang buwan matapos itong mailabas sa Pilipinas, Qatar, United Arab Emirates, Malaysia, Canada, at New Zealand.

Orihinal na inilabas ng P-Pop group na SB19 ang “MAPA” noong Mayo, na isang kanta na dedicated para sa mga magulang.