Pagdami ng kumakayod na e-trike sa Naga City na walang prangkisa nakakaalarma; ibang driver diumano’y may baril pa

NAGA CITY – Nakakaalarma na.

Ganito ang pagsasalarawan ng sektor ng trimobile sa Naga City sa patuloy na pagdami ng mga kumakayod na E-Trike sa lungsod na walang prangkisa at walang matinong dokumento  pati na rin ang driver, minsan ay menor de edad pa subalit namamasada.

Matagal tagal na rin itong reklamo ng Trimobile Operators and Drivers Association sa lungsod na tila maaaksyunan na matapos ng ginawang pagpupulong nila at ng Public Safety Office, kahapon na dinaluhan nina Barangay Kagawad Gil Belen, ang federation president ng TODA.

Sa pahayag nito sa Brigadaa News FM Naga, nabatid na bukod sa illegal ang pamamasada ng mga ito, ang ilan sa kanila ay matatapang pa kung nasisita, diumano’y may armas na patalim at minsan ay baril pa na naka engkuwentro ng kasamahan nilang trimobile driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *