Tatlong Regional Most Wanted Persons sa Bicol, naaresto na

BNFM BICOL-HIMAS-REHAS na ang tatlong indibidwal na Regional Most Wanted Persons sa Bicol matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine National Police o PNP Bicol.

Ito ay sina alyas “Toti” naaresto sa Camarines Norte dahil sa kasong murder, alyas “Tonyo” naman nahuli dahil sa kasong statutory rape sa bayan ng San Andres Catanduanes at si alyas “Mandy” na galling naman sa Minalabac, Camarines Sur ay dahil naman sa kasong murder na kung saan ay pare-parehong walang itinakdang piyansa.

Ang mga suspek ay nasa kustudiya na ng PNP para sa kaukulang disposisyon. ###   KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *