Pagdalaw sa NBP at CIW, kanselado muna matapos magpositibo sa COVID-19 ang 32 PDLs

Kanselado muna ang pagdalaw sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City matapos magpositibo sa COVID-19 ang 32 persons deprived of liberty o PDLs.

Ayon kay Dr. Ma. Cecilia Villanueva, acting director ng Bureau of Corrections Health and Welfare Services, unang nagpositibo sa sakit ang isang  63-year-old male inmate na nasa “Kanlungan ni Lolo” kasama ang mga nakatatandang PDLs, kaya agaran silang nagsagawa ng contact tracing sa mga kasama niya.

Sa unang 407 PDLs na isinailalim sa testing, hindi bababa sa 32 PDLs ang nagpositibo sa antigen test kung saan 19 sa kanila ang nakakaranas ng mga sintomas ng virus.

Ayon sa BuCor, inaasahang magpapatuloy ang visiting hours pagkatapos ng mahigit dalawang linggo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *