PAGCOR Chief: si dating Presidential Spokesperson Roque ang tumulong para sa ilegal na POGO hub sa Porac

Pinangalanan na ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang tinutukoy niyang dating miyembro ng Gabinete na lumapit sa kanya para tumulong sa pag-grant ng lisensya sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ito ay sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hinggil sa operasyon ng ilegal na POGO.

Ayon kay Tengco, si dating presidential spokesperson Harry Roque ang tumulong para sa POGO hub sa Pampanga.

Kwento ni Tengco sa pagdinig, nagtungo sa kanyang opisina si Roque noong July 2023 para solusyonan ang financial issues ng Lucky South 99 – ang POGO compound sa Porac, Pampanga.

Kasama umano nito si Katherine Cassandra Li Ong, ang otorisadong kinatawan ng Lucky South 99.

Mababatid na una nang tiniyak ni PAGCOR Chairman na papangalanan niya ang dating Cabinet member sa ilalim ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte na nag-facilitate ng pag-iisyu ng lisensya ng ilegal na mga POGO hubs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *