6 patay sa pagsisilbi ng search warrant sa Cotabato

Anim katao ang patay at anim din ang sugatan nang isilbì ng mga otoridad ang search warrant sa lugar ng mga bandidong grupo sa Purok 7, New Panay, Aleosan, Cotabato kaninang  pasado alas 8 ng umaga.

Kabilang sa nasawi ang lider ng grupo na si Makabuat Hadji Salik at apat pa nitong kasamahan na kinilalang sina Norhamen Sungga Malidas, Raup Malidas, Faisal Salibo, at Palog Sakib.

Patay naman ang isang kasapi ng Special Action Force o SAF ng Cotabato PNP na kinilalang si Police Master Sergeant Jed Michael Gregorio na taga Davao Del Sur.

 Anim pang mga kasapi ng SAF ang sugatan sa pangyayari at nagpapagaling pa sa mga ospital.

Batay sa report ng Cotabato PNP habang papalapit sila sa kinaroroonan ng mga armado ay bigla na lamang umano silang pinaputukan ng mga suspek.

Napilitan silang gumanti na naging hudyat ng engkwentro na tumagal ng mga kalahating oras.

Isinilbi ang search warrant dahil sa impormasyong may hawak na mga armas ang mga suspek at sangkot din umano ang mga ito sa pagbebenta ng illegal na droga.

Narecover sa crime scene ang matataas na kalibre ng armas, granada at illegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *