NAGA CITY- Tuloy na tuloy na ang pagbuo ng Incident Management Team/ Joint Operation Center kaugnay ng inaasahang Peñafrancia Festival 2022 sa Naga City.
Malayo pa man ang okasyon ito na ang pinag-uusapan dahil wala pa mang pandemya matagal ang preparasyon sa nasabing pinaka malaking Marian Devotion sa Asya.
Inihayag ni PLtCol. Errol Garchitorena, Deputy City Director For Operations na hindi pa tiyak ang magiging restrictions kung mayroon pa halimbawa sa social distancing , sa pagsuot ng facemask at iba pang mga ipinatutupad ngayon.
Makikipag-ugnayan na rin ang LGU sa mga paaralang lumalahok sa mga parada at iba pang makukulay na aktibidad. Ang Naga ay nanatili sa Alert Level 1 na siyang pinakamababang risk classification ng Interagency Task Force.
Sabik na ang marami dahil dalawang taon nang wala ng pangrehiyong okasyon na dinarayo ng mga mula pa sa iba’t -ibang bahagi ng bansa noong wala pang COVID-19 pandemic.