Catch Up fridays sa Naga City, may magandang resulta- Principal

NAGA CITY- Nakakadalawang session pa lamang simula nang maipatupad ang Catch Up Fridays sa elementarya at sekondarya ngunit sa isang pampublikong paaralan dito sa Naga City, nakitaan agad ito ng magandang resulta.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Erwin Delos Reyes, Principal I ng Naga City Science High School, sinabi nitong hindi pa man dumarating ang araw ng feedbacking para sa naturang programa, nakita niya ang malaking pagbabago ng mga bata pagdating sa pagbabasa. Kahit na nga may maayos na reading comprehension ang kanilang mga mag-aaral, naobserbahan nila na mas naging mahusay pa ang mga ito lalo na sa pag-unawa ng mga salita.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte
Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ngayong araw, gagawin ang ikatlong session ng Catch Up Fridays at magkakaroon din ng re-orientation sa mga guro kaugnay pa rin ng nasabing programa.