Pagbubukas ng pilot face-to-face classes naging maayos – DepEd

Inihayag ng Department of Education na naging maayos ang pagbubukas ng pilot implementation ng face-to-face classes ngayong araw.

Ayon kay DepEd director for planning service Roger Masapol wala umanong naitalang aberya sa mga paaralan lumahok sa pagbabalik ng in-person learning.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Mahigpit naman ipanapatupad sa mga paaralan ang health protocols kung saan nasa 12 estudyante lamang ang pinayagan sa bawat klase.

Tiniyak din ng DepEd na may sapat na suplay nang facemasks at alcohol ang mga eskelahan at tanging mga fully vaccinated teachers ang pinapayagang makapagturo.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Samantala inihayag naman ni Masapol na plano ng kagawaran ng edukasyon na maisama sa pilot implementation ang mga paaralan sa metro Manila.