Pagbubukas ng pasukan sa mga pampublikong paaralan sa Naga naging mapayapa-NCPO

NAGA CITY- Naging mapayapa ang pagbubukas ng academic year 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan simula elementarya hanggang sa sekondarya sa Naga City.

Ito ang inisyal na assessment ng Naga City Police Office.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni NCPO Spokesperson PSMS Toby Bongon, nauna nang nagbukas ang mga pribado at nasa kolehiyo at kahapon sabay-sabay na ang mga estudyante sa Naga, balik nanaman ang mabigat na daloy ng trapiko pero sa tulong aniya ng mga katuwang nilang mga puwersa na-manage pa rin. Lalo namang pina-igting ang police visibility sa lungsod.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang Barangay Council ng Peñafrancia na ikinukunsiderang university belt ng lungsod , nakipag-ugnayan na sa mga paaralan sa kanilang papel sa seguridad, sinabi sa BNFM Naga ni Punong Barangay Boboy Sierra na mayroon mahigit 30,000 na mga estdyante maliban pa ito sa mga residente kaya may maayos ding koordinasyon sa otoridad para sa kaligtasan.