Pangulong Marcos, nag-aerial inspection sa pinsala ni Super Typhoon Carina

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Bongbong Marcos sa may bahagi ng floodway sa Rizal na isa sa mga lugar na pinaka apektado ng nagdaang super typhoon Carina at Habagat.

Pagkatapos ito ng isinagawang situation briefing ng Pangulo sa bayan ng Mauban sa Quezon Province.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Inalam rin ng Presidente ang lagay ng mga residente sa San Mateo, Rizal at isinabay na rin ang pamimigay ng mga family food packs.

Sa tala ng Public Information Office ng San Mateo, nasa mahigit 13 thousand individual o mahigit tatlong libong pamilya ang nanatili sa mga evacuation sa kanilang lugar.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Nabatid naman na umakyat na sa syam ang bilang ng mga nasawi sa CALABARZON dahil sa pananalasa ng Carina at Habagat.