Former VP Leni Robredo, hindi tinanggap ang imbitasyon para sa SONA

Kinumpirma ni House of Representatives secretary-general Reginald Velasco na nag-decline sina Former vice presidents Jejomar Binay at Leni Robredo sa imbitasyon sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 22.

Maliban sa mga ito, inimbitahan din umano nila si former president Rodrigo Duterte at ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Sa ngayon, hinihintay pa nila ang confirmation ng mga ito.

Paliwanag ni Velasco, pwedeng last-minute na mag-confirm ng attendance ang mga VIPs, at pwede ring last-minute mag-cancel ang mga ito.

Lagi aniyang naka-reserve ang kanilang seat sa plenary hall.

Samantala, kabuoang 47 mga bansa na na may embahada sa Manila ang nagkumpirmang dadalo sila sa SONA.

Ani Velasco, 99% na ng mga inimbitahan ang nag-confirm ng kanilang attendance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *