Pagbibigay ng options sa mga paaralang lalahok sa Bicol Regional Military parade tinalakay

NAGA CITY- Hiniling sa konseho na Naga bigyan ng opsyon o pagpipilian ang mga paaralang lalahok sa Regional Military Parade  pati Civic Parade , Scouts Competition , Drum and lire at iba pa.

Ang pagpipilian ay kung sasali bilang competing o participating unit.

Nakapalaman ito sa resolusyong hinain ni Councilor Lito Del Rosario, hangarin na huwag nang gumastos ng marami ang mga paaralan at huwag ma interrupt  o maabala ang inaasang face-fo-face classes.

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured

Ayon kay Del Rosario, kung magkakaroon na nga ng full implementation ng  face-to-face classes base sa sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, ilang linggo na lamang ang magiging paghahanda para sa kompetisyon at hindi aniya maganda na sobrang magpapagod ang mga kalahok.  Kung participating unit hindi na rin kailangan pang gumastos sa uniform, pwede na ang school uniform

Naging iba-iba ang opinyon sa konseho, may mga nangmungkahing  mabuti kung huwag na munang ituloy ang anumang parada o kompetisyon, bagay na hindi naman sinang-ayunan ng ilang konsehal dahil ang mga aktibidad sa Peñafrancia ay inaasahang maktutulong sa pagbabalik ng sigla sa lungsod pati ang pagnenegosyo rito.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Naaprubahan ang resolusyon, 15 ang pabor , kasama sa bilang ang mga City Youth Councilors habang 6 ang hindi.

Mababatid na ang mga parada tuwing Peñafrancia Festival tuwing Setyembre ay pinaghahandaan ng mga paaralan sa Bicol Region noong wala pang COVID-19 pandemic.