15,000 war crimes naitala sa Ukraine simula ng salakayin ng Russia

Umabot na sa 15,000 na mga suspected war crimes ang naitala sa Ukraine simula nang salakayin ng Russia noong February 24.

Sa report ng chief prosecutor, nasa 200 hanggang 300 war crime ang naitatala araw araw.

Read More:  Alhambra in Spain limits tourist access after series of earthquakes

Sinabi ni Prosecutor Iryna Venediktova na mayroon nang na-identify na 600 suspects kung saan 80 dito ang nagsimula na ang prosekusyon.

Ang mga suspects na natukoy ay kinabibilangan ng top military, politicians at propaganda agents ng Russia.

Read More:  Spain, Morocco boost security in Ceuta amid renewed migrant crossing calls

Matatandaan na mariing itinanggi ng Russia na tinatarget nila sa kanilang military operation ang mga sibilyan gayundin ang anumang war crimes.