PRRD nanindigan sa mahigpit na anti-illegal drug campaign sa ilalim ng kanyang termino

Muling idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad niya ng anti-illegal drug campaign simula nang umupo bilang lider ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga atleta sa Malakanyang, sinabi nitong kung hindi niya ginawa ang naturang hakbang ay posibleng maging narco-politics na ang Pilipinas.

Binigyan diin nito na sisirain ng ilegal na droga ang bansa at mauuwi sa mga “dysfunctional” na pamilya.

Read More:  Ejercito urges PhilHealth to use returned P60 billion for healthcare services

“Do not destroy the young of my — mga anak namin. ‘Pag ginawa mo ‘yan, I will kill you. So nagkakaroon ako ng kaso. Actually wala naman akong pinatay. Ah kung may pinatay man ako, nakalimutan ko na rin. Matanda na ako, may dementia na eh,” ayon kay Duterte.

Aniya, madaling punahin ng mga grupo tulad ng International Criminal Court ang kanyang war on drug dahil hindi nila naiintindihan ang banta ng narco politics sa mga Pilipino.

Read More:  Palace questions VP Sara Duterte over computer literacy remarks

Sinabi ni Duterte na ang bilyun-bilyong pisong halaga ng droga na nasamsam ng mga awtoridad sa anim na taon ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa illegal drugs ay patunay ng paglaganap ng kontrabando sa bansa.

“Kaya nagkaroon ako ng kaso sa International Criminal Court. It’s easy for them really to just — itong mga puti. Hindi nila alam, it will… Alam niyo malapit na tayo nag-narco-politics on the level sa…” dagdag pa ng Pangulo.