Pagbalik sa normal ng flight operations matapos ang IT outage – posibleng matagalan pa

Posibleng matagalan pa ang bago bumalik sa normal ang operasyon ng ilang mga airlines kasunod ng nangyaring global IT outage.

Ayon kay AirAsia spokesperson Steve Dailisan, na-restore nila noong Biyernes ng gabi ang check-in system ng AirAsia, pero nag-down ulit ito.

Read More:  Hontiveros signals 2028 readiness, but says she will give way to stronger ally

Dahil diyan, inaasahan na aniya ang ‘slowdown’ pagdating sa pag-recover ng system.

Naiulat naman na bagaman nagkakaroon ng progress sa pag-restore ng flight functionality, maaaring matagalan din ang pagbalik sa normal ng flight operation ng Cebu Pacific.

Read More:  CSC suspends civil service exams in NCR, parts of Luzon due to severe weather

Samantala, hindi apektado ng outage ang Philippine Airlines, pero nagpapatuloy ang mga ito sa pag-monitor ng sitwasyon.

Kaninang umaga, nilinaw ng Manila International Airport Authority na ang flight distruption ay dahil sa airline check-in systems, at hindi ng problema sa Ninoy Aquino International Airport.