Isang People’s SONA ang isinasagawa ngayong hapon sa Liwasang Boniifacio sa Maynila.
Ayon kay Vivian Velez, volunteer ng grupong ‘Hakbang ng Maisug’, mas mahalagang mapakinggan ang tunay ng sitwasyon ng iba’t-ibang sektor ng lipunan katulad ng mga mangingisda , transport at labor group sa halip na unahin ang SONA na iisang speaker lamang.
Sinabi rin ni Velez na sinubukan nilang isabay ang programa sa Lunes sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at lumapit sa Batasang Pambansa ngunit napakahigpit aniya ng mga awtoridad.
Ang grupong ‘Hakbang ng Maisug’ ay kilalang tagasuporta ng mga Duterte.
Nang matanong ng Brigada News Fm Manila kung dadalo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, umaasa aniya ang grupo na makakaratong ito sa kabila ng masamang panahon at glitch na nangyari kung saan maraming flight ang nakansela.
Sa tanong kung invited din si VP Sara Duterte, sabi ni Velez , invited ito ngunit pagkakaalam niya’y wala ito ngayon sa kamaynilaan.