Inanunsyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos na magkakaroon ng Presidential Museum sa Baguio Mansion House.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, sinabi ng first lady na ikinagagalak niyang isapubliko ang naturang bagong addition sa Malacañang Heritage Mansions.
Ayon pa sa kanya, nakipagpulong siya sa ilang mga opisyal noong Huwebes upang maisapinal ang mga plano para sa soft opening ng museo.
Ang bagong museum ay magkakaroon ng pitong galleries na magso-showcase ng mga accomplishments ng mga dating mga presidente ng bansa, gayudin ng kay President Ferdinand Marcos Jr.
Magpapakita rin ito ng mga historical timelines at ilang mga artifacts.
May shop din ito para sa publiko kung saan maaaring bumili nga mga souvenirs.
Sinabi ng first lady na magiging open ito sa publiko very soon, at hindi na siya makapaghintay na maipakita ito sa lahat.