Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na “reposition” lamang ang pagbalik ng BRP Teresa Magbanua sa Palawan, at hindi nito sinusuko ang Escoda Shoal.
Ang Escoda Shoal ay nasa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nag-balik homeport ang barko matapos itong makaranas ng masamang panahon, maubusan ng suplay, at dahil na rin sa immediate medical attention ng ilang tauhan.
Bagama’t hindi na nagbigay ng karagdang detalye, sinabi ni Gavan na pananatilihin ng PCG ang presensya sa lahat ng areas na sakop ng EEZ ng Pilipnas.
Dagdag pa nito, siya mismo ang nagrekomenda na pabalikin ng Palawan ang barko matapos ang mga nagdaang konsultasyon.