Ilang tauhan ng BRP Teresa Magbanua, sinugod sa ospital dahil sa gutom at dehydration

Nakabalik ng Palawan ang mga tauhan ng BRP Teresa Magbanua nang gutom at dehydrated matapos ang limang buwang paghaharap sa mga puwersa ng China sa Escoda Shoal.

Napagalaman ding lugaw lang ang kanilang kinakain sa loob ng tatlong linggo, at naubusan na ng suplay ng pagkain dalawang araw bago sila makabalik sa Palawan.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sa kanilang pagdating, apat na crew members ang naka-dextrose at agad na isinugod sa ospital dahil sa dehydration.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa kabila ng mga narasanan nito, pinuri ng PCG ang katapangan at dedikasyon ng mga tauhan ng BRP Teresa Magbanua dahil hanggang sa kanilang pag-alis ay minamanmanan sila ng mga barko ng China Coast Guard.