Pagbakuna sa adult population aarangkada na sa Camalig, Albay simula ngayong araw

BICOL—Sisimulan na rin ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay ang pagbabakuna sa mga edad 18-anyos pataas o adult population.

Simula ngayong araw, Oktubre 26 ay tatanggap ang ang binuong vaccination team ng mga walk in na mga nais magpabakuna.

Naka schedule ngayong araw ang vaccination sa Cotmon covered court kung saan Pfizer at Moderna vaccines ang ituturok.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa Huwebes naman, Oktubre 28 ay sa Camalig National High School kung saan Sinovac ang bakunang gagamitin.

 Sa Biyernes, Oktubre 29, naka schedule muli ang vaccination sa Camalig National High School gamit ang Moderna vaccine. Kailangan lamang magdala ng mga magpapabakuna ng anumang valid ID o kaya birth certificate o barangay certificate kung walang valid ID.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pinapayuhan din ang mga itong magdala ng sariling ballpen, snacks, magsuot ng face mask at face shield at sumunod sa physical distancing.

Maliban sa mga nabanggit na schedule, plano rin ng vaccination team na magsagawa ng weekend vaccination para mabigyang pagkakataon ang mga nagtatrabaho tuwing weekdays. Iaanunsyo na lamang umano ang magiging schedule nito.### || slm