LEGAZPI CITY – Nagpaplano ngayon ang City Health Office (CHO) na gumawa ng bagong ordinansa na ihaharap sa Sangguniang Panglungsod na kinabibilangan ng pagbabawal ng vape sa mga pampublikong lugar.
Ito ang inihayag ni Dr Fullbert Gillego sa press briefing isinagawa kahapon ng CHO Legazpi. Ayon kay Gillego, kailangan maisama na rin ang pagban ng vape sa pampublikong lugar para sa kaligtasan na rin mga bata.
Kung mapapansin mas marami umano ang mga bata ang nasa pampublikong lugar na kung saan marami rin ang gumagamit ng vape sa lugar kaysa cigarillo.
Kailangan higpitan muli ng lokal na pamahalaan ang gagawin na bagong ordinansa upang hindi magkaroon ng problema pagdating ng panahon.
Kung babalikan, ang Smoke-Free Program ng Legazpi City ay nagsimula sa pagpapatupad noong 2009 ng Ordinansa Blg. 0007-2009 o ang binagong smoke-free na panukala na inakda ng dating konsehal at ngayon ay Board Member Roly Rosal.